Frequently Asked Questions



Product Overview

  • +

    Ano ang ePiso?

    Ang ePiso ay ang cash mo na maaari mong ipagpalit sa katumbas na halaga na digital money para mas maging ligtas at madali ang paraan ng pagbabayad mo o pagtanggap ng bayad sa iyong business supply chain.

    • Madali: Hindi na kailangan magdala ng cash at wala ng barya.
    • Ligtas: Protektado ang pera mo sa loob ng ePiso Mobile Wallet app. Ligtas sa pagka-wala at pagka-nakaw, hindi gaya ng cash.
    • Abot-kaya: Maaaring gamitin ang ePiso sa mga serbisyong pangpinansyal. Mas mura pa ang fees kumpara sa iba.
  • +

    Ligtas ba gamitin ang ePiso?

    Bukod sa regulated ito ng Bangko Sentral ng Pilipinas, protektado ang pera mo sa loob ng ePiso Mobile Wallet app, na may password protection at digital security layers kung saan ikaw lamang ang makaka-access ng iyong pera. Maaari rin i-monitor ang mga transaksyon sa pamamagitan ng in-app transaction history. Please keep your passwords and mobile devices secure at all times.

  • +

    Ano ang maaari kong gawin sa ePiso?

    Para sa business owner na katulad mo, maaari mong gamitin ang ePiso para maging mas madali at mabilis ang paraan ng pagbabayad mo sa iyong business supply chain. Hindi na kailangang pumunta sa bayad center o sa bangko para magbayad sa supplier. Sa ePiso, magagamit na ang oras mo sa mas mahalagang bagay at hindi pa kailangang gumastos para sa pamasahe. Bukod pa rito, maaari ka na mag distribute ng ePiso, mangolekta ng bayarin, magpadala at makatanggap ng collection notice gamit ang ePiso Mobile Wallet app.

  • +

    Ano ang RCBC ePiso Mobile Wallet?

    Ang RCBC ePiso Mobile Wallet ay isang mobile wallet application kung saan maaari mong itago, i-manage at gamitin ang iyong ePiso. Maaari mong i-download at i-install ang app sa iyong Android device. Para mag-load ng ePiso sa iyong wallet, i-convert lamang ang iyong cash sa ePiso sa kahit saang partner merchant.


Wallet Registration and Upgrade

  • +

    Paano ko sisimulang gamitin ang ePiso?

    Madali lang!


    • I-download at i-install ang ePiso Mobile Wallet app sa Google Play
    • Habang nakakonekta sa internet, buksan ang app at gumawa ng account.
    • Ilagay ang iyong personal na impormasyon tulad ng pangalan at contact details
    • Makakatanggap ng SMS verification
    • I-enter ang verification number

    Kapag mayroon ka ng account, maaari ka nang mag-load ng ePiso sa iyong wallet sa kahit saang partner merchant para magamit ang ePiso bilang pambayad sa iyong araw-araw na gastusin.

  • +

    Maaari pa rin ba akong gumamit ng ePiso kahit hindi ako RCBC account holder?

    Sinuman na may Android device na may Lollipop o Android OS v5.0 pataas ay maaaring makakuha at gumamit ng ePiso.

  • +

    May kailangan bang document para makagawa ng account sa RCBC ePiso Mobile Wallet app?

    Kakailanganin mo lamang mag-upload ng picture ng iyong government-issued ID, kung ikaw ay mag-reregister bilang Merchant na may Full Wallet, Agent o Sub-Distributor.


    To see the list of valid IDs, please click here.

  • +

    Anong user type ang dapat kong piliin kapag gagawa ako ng account?

    Depende ito sa set-up ng iyong business supply chain. Maaaring piliin ang alinman sa mga sumusunod:

    • Merchant (Bilang Merchant, maaari kang pumili ng Basic o Full Wallet Type depende sa inaasahang halaga ng ePiso na papasok sa iyong ePiso Mobile Wallet),
    • Agent or
    • Sub-Distributor

    Para sa Agent at Sub-Distributor, kailangan naka-link ito sa ePiso Wallet ng Distributor.

  • +

    Bilang Merchant User, anong maaari kong gawin sa RCBC ePiso Mobile Wallet?

    Madami!

    • Cash In: Ipalit ang cash sa ePiso at gamitin sa app. Maaari mo rin i-load ang ePiso Wallet ng iba tulad ng Consumer o iba pang Merchant Users.
    • Pay Bills: Magbayad ng gastusin sa kuryente, tubig at iba pa.
    • Scan to Pay: Magbayad ng mga pang-araw-araw na bilihin sa pamamagitan ng pag-scan ng QR Code ng kahit sinong partner merchant
    • Transfer ePiso: Magpadala ng ePiso sa iba pang ePiso user
    • Cash Out: Ipalit ang ePiso sa cash kung kinakailangan
    • View Transactions: I-manage at i-monitor lahat ng iyong transaksyon sa pamamagitan ng transaction history sa loob ng app
  • +

    Bilang Agent o Sub-Distributor User, anong maaari kong gawin sa RCBC ePiso Mobile Wallet?

    Madami!

    • Distribute ePiso: Ipalit ang cash ng agents o merchants sa ePiso
    • Request ePiso: Humingi ng ePiso mula sa iyong Sub-Distributor o Distributor
    • Tumanggap ng bayad sa pang-araw-araw na bilhin mula sa Merchants at Consumers
    • Collect Payment: Mangolekta ng bayarin sa iyong supply chain sa pamamagitan ng pagpapadala ng Collection Notice
    • Pay Supplier: Bayaran ang mga Collection Notice na natanggap mula sa iyong supply chain
    • Cash Out: Ipalit ang ePiso sa cash kung kinakailangan
    • View Transactions: I-manage at i-monitor lahat ng iyong transaksyon sa pamamagitan ng transaction history sa loob ng app
  • +

    Anong mangyayari kapag nag upgrade ako ng RCBC ePiso Mobile Wallet?

    Sa pag-upgrade sa Full Wallet, mas marami kang maaaring gawin at tataas pa ang limit ng iyong wallet.

    1. Transfer ePiso to other users
    2. Cash Out
    Maximum Amount per DayMaximum Amount per Month
    Basic Wallet for MerchantsP5,000P20,000
    Upgraded (Full) Wallet for MerchantsP50,000P100,000

    Kung ang piniling user type ay Agent o Sub-Distributor, ikaw ay automatic na makakakuha ng Full Wallet.

  • +

    Paano mag upgrade ng RCBC ePiso Mobile Wallet?

    Maaari mong i-upgrade ang Basic Wallet mo to Full for FREE!

    • Mag-log-on sa iyong ePiso Mobile Wallet app
    • I-tap ang triple bar button sa upper left corner ng app
    • I-tap ang Wallet information
    • I-tap ang “Upgrade your Wallet”
    • Magbigay ng additional na impormasyon at mag-upload ng larawan ng iyong valid government-issued ID
    • I-tap ang “Submit”

    To see the list of valid IDs, please click here.

Limit & Fees

Transactions of Merchant User Type

  • +

    Paano ako mag-load up o mag-cash in ng ePiso sa aking ePiso Mobile Wallet?

    • Pumunta sa pinakamalapit na accredited merchant, agent o sub-distributor
    • Mag log-on sa iyong ePiso Mobile Wallet app
    • Ipakita ang iyong QR code na matatagpuan sa iyong wallet information
    • Ibigay ang physical cash sa merchant, agent o sub-distributor
    • Makakatanggap ng app notification na nagsasabing successful ang iyong transaksyon. Makikita mo rin na nadagdagan na ang iyong ePiso balance sa app at matatagpuan din ito sa iyong transaction history.
  • +

    Paano ako mag-load up o mag-cash in ng ePiso sa aking customer?

    • I-scan ang QR code ng iyong customer
    • I-enter ang halaga
    • I-confirm ang mga detalye sa transaksyon
    • Makakatanggap ng confirmation message
  • +

    Maaari rin ba akong mag-load up ng ePiso sa ibang merchant?

    Maaari rin! Sundin lamang ang steps ng pagload o pag-cash in sa iyong customer.

  • +

    Paano ako magpapadala ng ePiso sa ibang ePiso user?

    • Mag log-on sa iyong ePiso Mobile Wallet app
    • Piliin ang “Transfer ePiso” sa iyong app dashboard
    • I-enter ang username ng papadalhan ng ePiso at ang halaga na nais mong ipadala
    • I-confirm ang mga detalye ng transaksyon
    • Makakatanggap ng confirmation message
  • +

    Paano ako makakatanggap ng ePiso bilang pambayad sa mga paninda ko?

    I-advise ang iyong customer na gawin ang mga sumusunod:


    • Mag-log-on sa kanyang ePiso Mobile Wallet app
    • Piliin ang “Scan to Pay’ sa kanyang app dashboard
    • Gamit ang ePiso Mobile App ng iyong customer, i-advise ang iyong customer na i-scan ang iyong QR Code na matatagpuan sa Wallet Information ng app (I-tap ang triple-bar button sa upper left ng app para makita ang Wallet Information kung saan matatagpuan ang iyong QR Code)
    • I-enter ang halaga ng babayaran
    • I-confirm ang mga detalye ng transaksyon

    Kapag nabayaran na ng customer ang iyong paninda gamit ang ePiso, makakatanggap ka ng notification at diretsong ma-crecredit ito sa iyong ePiso Mobile Wallet app. Makikita rin ang transaksyon sa iyong transaction history.

  • +

    Paano ako mag-bibills pay gamit ang ePiso?

    • Mag-log-on sa iyong ePiso Mobile Wallet app
    • Piliin ang “Pay Bills” sa iyong app dashboard
    • Piliin ang biller
    • I-enter ang halaga ng babayaran sa biller at ang reference number
    • I-confirm ang mga detalye ng transaksyon
    • Makakatanggap ng confirmation message
  • +

    Paano ko makikita ang mga transaksyon ko?

    • Mag-log-on sa iyong ePiso Mobile Wallet app
    • Piliin ang “View Transactions” sa iyong app dashboard
  • +

    Paano ko ibabalik ang ePiso sa physical cash ulit?

    • Mag-log-on sa iyong ePiso Mobile Wallet app
    • Piliin ang “Cash Out” sa iyong app dashboard
    • I-scan ang QR Code ng accredited merchant
    • I-enter ang halaga na nais mong i-convert pabalik sa physical cash
    • I-confirm ang mga detalye ng transaksyon
    • Makakatanggap ng confirmation message
  • +

    Paano ko i-process ang cash out request ng aking customer?

    I-advise ang iyong customer na gawin ang mga sumusunod:


    • Mag-log-on sa kanyang ePiso Mobile Wallet app
    • Piliin ang “Cash Out” sa kanyang app dashboard
    • I-scan niya ang iyong QR Code
    • I-enter ang halaga na nais i-cash out
    • I-confirm ang mga detalye ng transaksyon

    Kapag nacash-out na, makakatanggap ka ng notification at maaari mo ng ibigay ang physical cash na pinaconvert ng iyong customer.

  • +

    Maaari rin ba akong mag process ng cash out request mula sa ibang merchant?

    Maaari rin! Sundin lamang ang steps ng pag process ng cash out request sa iyong customer.

  • +

    Paano ko mababayaran ang aking Agent/Sub-Distributor Suppliers?

    • Mag-log-on sa iyong ePiso Mobile Wallet app
    • Piliin ang “Pay Supplier” sa iyong app dashboard
    • I-tap ang check button na naaayon sa Collection Notice mula sa iyong agent/sub-distributor supplier na gusto mong bayaran
    • I-confirm ang mga detalye ng transaksyon
    • Makakatanggap ng confirmation message

Transactions of Agent/Sub-Distributor User Type

  • +

    Paano ako mag-load up o mag-cash in ng ePiso sa aking ePiso Mobile Wallet?

    • Mag-log-on sa iyong ePiso Mobile Wallet app
    • Piliin ang “Request ePiso” sa iyong app dashboard
    • I-enter ang halaga at ang username ng iyong Sub-Distributor o Distributor na hiningan mo ng ePiso
    • I-confirm ang mga detalye ng transaksyon
    • Makakatanggap ng confirmation message
  • +

    Paano ako mag-load up o mag-cash in ng ePiso sa ePiso Mobile Wallet ng merchant o ng agent?

    • Mag log-on sa iyong ePiso Mobile Wallet app
    • Piliin ang “Distribute ePiso” sa iyong app dashboard
    • Piliin ang ePiso Request ng merchant o agent kung ito ay may ipinadala ng request. Kung wala pa, i-click ang “+” sign at i-enter ang halaga at ang username ng merchant o agent na nais mo i-load.
    • I-confirm ang mga detalye ng transaksyon
    • Makakatanggap ng confirmation message
  • +

    Paano ko mababayaran ang aking Sub-Distributor o Distributor Suppliers?

    Para sa mga katanungan, i-contact ang RCBC Customer Care gamit ang mga sumusunod:


    • Mag-log-on sa iyong ePiso Mobile Wallet app
    • Piliin ang “Pay Supplier” sa iyong app dashboard
    • I-tap ang check button na naaayon sa Collection Notice mula sa iyong sub-distributor o distributor supplier na gusto mong bayaran
    • I-confirm ang mga detalye ng transaksyon
    • Makakatanggap ng confirmation message
  • +

    Paano ako mangongolekta ng bayarin mula sa Agent o Merchant?

    • Mag log-on sa iyong ePiso Mobile Wallet app
    • Piliin ang “Collect Payment” sa iyong app dashboard
    • I-tap ang “+” sign
    • I-type/i-check ang username ng agent o merchant na nais mong singilin.
    • I-enter ang halaga ng iyong kinokolekta, invoice number (optional) at due date (optional)
    • I-confirm ang mga detalye ng transaksyon
    • Makakatanggap ng confirmation message
  • +

    Paano ko makikita ang mga transaksyon ko?

    • Mag-log-on sa iyong ePiso Mobile Wallet app
    • Piliin ang “View Transactions” sa iyong app dashboard
  • +

    Paano ko ibabalik ang ePiso sa physical cash ulit?

    Maaari mong i-request ito sa iyong sub-distributor supplier.


    • Mag-log-on sa iyong ePiso Mobile Wallet app
    • Piliin ang “Cash Out” sa iyong app dashboard
    • I-scan ang QR Code ng iyong Sub-Distributor o Distributor supplier
    • I-enter ang halaga na nais mong i-convert pabalik sa physical cash
    • I-confirm ang mga detalye sa transaksyon
    • Makakatanggap ng confirmation message
  • +

    Paano ko i-process ang cash out request mula sa merchant o agent?

    I-advise ang merchant o agent na gawin ang mga sumusunod:


    • Mag-log-on sa kanyang ePiso Mobile Wallet app
    • Piliin ang “Cash Out” sa kanyang app dashboard
    • Gamit ang ePiso Mobile App ng merchant o agent, i-scan ang iyong QR Code
    • I-enter ang halaga na nais i-cash out
    • I-confirm ang mga detalye ng transaksyon

    Kapag nacash-out na, makakatanggap ka ng notification at pwede mo ng ibigay ang physical cash na pinaconvert ng merchant o agent.

Customer Service

;