Frequently Asked Questions



Product Overview

  • +

    Ano ang ePiso?

    Ang ePiso ay ang cash mo na maaari mong ipagpalit sa katumbas na halaga na digital money para mas maging ligtas at madali ang paraan ng pagbabayad ng pang-araw-araw na gastusin.

    • Madali: Hindi na kailangan magdala ng cash at wala ng barya.
    • Ligtas: Protektado ang pera mo sa loob ng ePiso Mobile Wallet app. Ligtas sa pagka-wala at pagka-naka, hindi gaya ng cash.
    • Abot-kaya: Maaaring gamitin ang ePiso sa mga serbisyong pangpinansyal. Mas mura pa ang fees kumpara sa iba.
  • +

    Ligtas ba gamitin ang ePiso?

    Bukod sa regulated ito ng Bangko Sentral ng Pilipinas, protektado ang pera mo sa loob ng ePiso Mobile Wallet app, na may password protection at digital security layers ito na kung saan ikaw lamang ang makaka-access ng iyong pera. Maaari rin i-monitor ang mga transaksyon sa pamamagitan ng in-app transaction history. Please keep your passwords and mobile devices secure at all times.


  • +

    Ano ang maaari kong gawin sa ePiso?

    Maaari mo gamitin ang ePiso pambili sa mga partner merchants tulad ng sari-sari store, grocery at iba pang tumatanggap ng ePiso bilang pambayad. Maaari mo ring gamitin para magbills pay sa kuryente, tubig at iba pa o kaya’t magpadala ng ePiso sa iba pang ePiso user.

  • +

    Ano ang RCBC ePiso Mobile Wallet?

    Ang RCBC ePiso Mobile Wallet ay isang mobile wallet application kung saan maaari mong itago, i-manage at gamitin ang iyong ePiso. Maaari mong i-download at i-install ang app sa iyong Android device. Para mag-load ng ePiso sa iyong wallet, i-convert lamang ang iyong cash sa ePiso sa kahit saang partner merchant.


Wallet Registration and Upgrade

  • +

    Paano ko sisimulang gamitin ang ePiso?

    Madali lang!


    • I-download at i-install ang ePiso Mobile Wallet app sa Google Play
    • Habang nakakonekta sa internet, buksan ang app at gumawa ng account.
    • Ilagay ang iyong personal na impormasyon tulad ng pangalan at contact details
    • Makakatanggap ng SMS verification
    • I-enter ang verification number

    Kapag mayroon ka ng account, maaari ka nang mag-load ng ePiso sa iyong wallet sa kahit saang partner merchant para magamit ang ePiso bilang pambayad sa pang-araw-araw na gastusin.

  • +

    Maaari pa rin ba akong gumamit ng ePiso kahit hindi ako RCBC account holder?

    Sinuman na may Android device na may Lollipop o Android OS v5.0 pataas ay maaaring makakuha at gumamit ng ePiso.

  • +

    May kailangan bang document para makagawa ng account sa RCBC ePiso Mobile Wallet app?

    Kakailanganin mo lamang mag-upload ng larawan ng iyong government-issued ID kung nais mong mag-upgrade to Full Wallet.


    To see the list of valid IDs, please click here.

  • +

    Anong user type ang dapat kong piliin kapag gagawa ako ng account?

    Bilang isang regular user, piliin ang Consumer role. Sa user type na ito, maaari mong gamitin ang ePiso para pambayad sa pang-araw-araw na gastusin, pang-bills pay at magpadala ng ePiso sa iba pang ePiso user.

  • +

    Anong maaari kong gawin sa RCBC ePiso Mobile Wallet?

    Madami!

    • Cash In: Ipalit ang cash sa ePiso at gamitin sa app
    • Pay Bills: Magbayad ng gastusin sa kuryente, tubig at iba pa.
    • Scan to Pay: Magbayad ng mga pang-araw-araw na bilihin sa pamamagitan ng QR Code sa kahit saang partner merchant
    • Transfer ePiso: Magpadala ng ePiso sa iba pang ePiso user
    • Cash Out: Ipalit ang ePiso sa cash kung kinakailangan
    • View Transactions: I-manage at i-monitor lahat ng iyong transaksyon sa pamamagitan ng transaction history sa loob ng app
  • +

    Anong mangyayari kapag nag-upgrade ako ng RCBC ePiso Mobile Wallet?

    Sa pag-upgrade sa Full Wallet, mas marami kang maaaring gawin at tataas pa ang limit ng iyong wallet.

    1. Transfer ePiso to other users
    2. Cash Out
    Maximum Amount per DayMaximum Amount per Month
    Basic Wallet for ConsumersP5,000P20,000
    Upgraded (Full) Wallet for ConsumersP50,000P100,000
  • +

    Paano mag-upgrade ng RCBC ePiso Mobile Wallet?

    Maaari mong i-upgrade ang Basic Wallet mo to Full for FREE!

    • Mag-log-on sa iyong ePiso Mobile Wallet app
    • I-tap ang triple bar button sa upper left corner ng app
    • I-tap ang Wallet information
    • I-tap ang “Upgrade your Wallet”
    • Magbigay ng additional na impormasyon at mag-upload ng larawan ng iyong valid government-issued ID
    • I-tap ang “Submit”

    To see the list of valid IDs, please click here.

Limit & Fees

Transactions

  • +

    Paano ako mag-load up o mag-cash in ng ePiso sa aking ePiso Mobile Wallet?

    • Pumunta sa pinakamalapit na accredited merchant
    • Mag-log-on sa iyong ePiso Mobile Wallet app
    • Ipakita ang iyong QR code na matatagpuan sa iyong wallet information
    • Ibigay ang physical cash sa merchant
    • Makakatanggap ng app notification na nagsasabing successful ang iyong transaksyon. Makikita mo rin na nadagdagan na ang iyong ePiso balance sa app at matatagpuan din ito sa iyong transaction history.
  • +

    Paano ako magpapadala ng ePiso sa ibang ePiso user?

    • Mag-log-on sa iyong ePiso Mobile Wallet app
    • Piliin ang “Transfer ePiso” sa iyong app dashboard
    • I-enter ang username ng makakatanggap ng ePiso at ang halaga na nais mong ipadala
    • I-confirm ang mga detalye ng transaksyon
    • Makakatanggap ng confirmation message
  • +

    Paano ako bibili gamit ang ePiso?

    • Mag-log-on sa iyong ePiso Mobile Wallet app
    • Piliin ang “Scan to Pay” sa iyong app dashboard
    • Bumili sa accredited merchant at i-scan ang QR code ng merchant
    • I-enter ang halaga ng babayaran sa merchant
    • I-confirm ang mga detalye ng transaksyon
    • Makakatanggap ng confirmation message
  • +

    Paano ako magbibills pay gamit ang ePiso?

    • Mag-log-on sa iyong ePiso Mobile Wallet app
    • Piliin ang “Pay Bills” sa iyong app dashboard
    • Piliin ang biller
    • I-enter ang halaga ng babayaran sa biller at ang reference number
    • I-confirm ang mga detalye ng transaksyon
    • Makakatanggap ng confirmation message
  • +

    Paano ko makikita ang mga transaksyon ko?

    • Mag-log-on sa iyong ePiso Mobile Wallet app
    • Piliin ang “View Transactions” sa iyong app dashboard
  • +

    Paano ko ibabalik ang ePiso sa physical cash ulit?

    • Mag-log-on sa iyong ePiso Mobile Wallet app
    • Piliin ang “Cash Out” sa iyong app dashboard
    • I-scan ang QR Code ng accredited merchant
    • I-enter ang halaga na nais mong i-convert pabalik sa physical cash
    • I-confirm ang mga detalye ng transaksyon
    • Makakatanggap ng confirmation message

Customer Service

;